Skip to main content
GOV.PH

Tuklas-Kaalaman sa Pambansang Aklatan

Bilang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pamana sa Mayo, inaanyayahan ka naming tuklasin ang mayamang kasaysayan at kultura ng ating lahi sa pamamagitan ng isang libreng guided tour sa NLP Permanent Gallery!

Kasama si Dr. Xiao Chua — historian at curator ng gallery — sumama sa isang makabuluhang paglilibot sa Mayo 14, 2025 (Miyerkules), 9:30 N.U., sa NLP Building, T.M. Kalaw St., Ermita, Manila.

LIMITADO LAMANG SA UNANG 30 REGISTRANTS!

Ipareserba na ang iyong pwesto sa link na ito: https://web.nlp.gov.ph/TuklasRegistration o i-scan ang QR code sa poster upang makapagrehistro!

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na masilayan at maunawaan ang ating pambansang pamanang kultura—mula sa mga kwento, larawan, at aral ng ating nakaraan.

National Library of the Philippines Skip to content