Skip to main content
GOV.PH

Pagbati mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas

Ipinaaabot ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang isang malugod na pagbati sa mga Kagalang-galang na Senador, Kgg. Sen. Pia S. Cayetano at Kgg. Sen Loren B. Legarda sa kanilang pagkakatalaga sa mga komite ng Senado.

Muling naitalaga bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking si Sen. Pia S. Cayetano habang si Sen. Loren B. Legarda ang itinalagang Tagapangulo ng Senate Committee on Culture and the Arts.

Lubos ang pasasalamat ng Pambansang Aklatan sa dalawang senador sa patuloy nilang pagsuporta upang maisulong ang mandato ng NLP sa preserbasyon at konserbasyon ng mga iniingatang dokumentaryong pamana ng ating bansa.

National Library of the Philippines Skip to content