
Maligayang Buwan ng Panitikan
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ngayong Abril, sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat.
Sa temang “Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran,” binibigyang-diin ang pagsikad ng panitikan bilang mahalagang salik sa paghubog ng ating pagkakakilanlan at pag-unlad bilang isang bansa. Ngayong taon, ginugunita rin natin ang isang dekada mula nang malagdaan ang Proklamasyon Bilang 968 noong 2015 na nagdeklara selebrasyong ito.
Sikad Panitikan… Para sa iba, para sa bayan.