
Happy Eid’l Fitr
Nakikiisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, ang pagtatapos ng 30 araw na pag-aayuno ng Ramadan. Batay sa Proklamasyon Blg. 839 s. 2025, ang unang araw ng Abril 2025 ay itinalaga bilang pista opisyal sa buong bansa.
Upang malaman ang higit pa tungkol sa Islam at kulturang Muslim, tumuklas ng maraming materyales sa General Books Section, Iranian Studies Section, o mga koleksyon ng Asia at Oceania ng NLP. Tingnan ang aming catalog sa pamamagitan ng https://web.nlp.gov.ph/catalog/ o bisitahin ang TeknoAklatan sa pamamagitan ng https://web.nlp.gov.ph/digital-collections/.