
Araw ng Kagitingan
Nakikiisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa Paggunita ng Araw ng Kagitingan at Linggo ng mga Beteranong Pilipino!
Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang ika-83 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na may temang “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas.” Ito ay isang mahalagang araw ng pagbibigay-pugay sa mga Pilipinong sundalo na buong tapang na lumaban sa kabila ng kakulangan sa armas, bala, at suplay — hanggang sa huling sandali ng Pagbagsak ng Bataan.
Mabuhay ang beteranong Pilipino!