Skip to main content
GOV.PH

National Heroes Day 2023

August 28, 2023

Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay malugod na bumabati sa bawat Pilipino ng Maligayang Araw ng mga Bayani. Ngayon ay ang araw upang alalahanin at parangalan ang kagitingan ng lahat ng bayaning Pilipino na nakipaglaban at patuloy na lumalaban para sa kalayaan at kabutihan ng ating bansa. Ito ay alinsunod sa Batas Republika Blg. 9492, s. 2007, na nagtatakda ng huling Lunes ng Agosto bilang pambansang pista opisyal upang ipagdiwang ang Araw ng mga Bayani.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Karangalan. Katungkulan. Kabayanihan.” Ang selebrasyon ay pangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines. Maaaring bisitahin ang kanilang FB page upang matunghayan ang seremonya: https://www.facebook.com/nhcp1933.

Ang NLP ay mayroong onlayn na eksibit ng mga bayaning Pilipino na matatagpuan sa http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/10030. Ang larawan ng mga bayani sa poster ay galing dito.

#NationalLibraryPH #NationalHeroesDay
#Bayani2023 #Kasaysayan2023

Basahin ang R.A. 9492:https://www.officialgazette.gov.ph/2007/07/24/republic-act-no-9492/

National Library of the Philippines Skip to content