Skip to main content
GOV.PH

NLP In-House Training

August 29, 2023

Isinagawa ng  #NationalLibraryPH noong 24 Agosto 2023 ang unang In-House Training para sa ilang kawani ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas upang mapaunlad pa ang kanilang kasanayan sa pangangasiwa at paglikha ng mga promosyong onlayn para sa pagpapalaganap ng serbisyo ng NLP gamit ang iba’t ibang social media platforms nito. 

 

Nagsilbing pangunahing tagapagsalita sina Bb. Maria Graciella F. Musa, Administrative Officer V ng Cultural and Public Affairs Division ng National Parks Development Committee na nagtalakay ng Principles of Video Production; G. Paul G. Dumagan, Administrative Aide IV, RPD at G. Marviluz Gocoyo, Administrative Aide III, Collection Development Division na nagbigay naman ng talakayan sa Basics of Photography; G. Johnny Pagaling, Administrative Aide II, Finance and Administrative Division na nagpakita ng tamang pangangasiwa ng audio/sound system; G. Michael James Reyno, Librarian II, Catalog Division na nagbahagi tungkol sa video editing at pangangasiwa ng onlayn live events ng NLP. Ang gawain ay pangunahing pinangasiwaan ng Research and Publications Division ng NLP. 

 

Tinalakay ang iba’t ibang teknikal na kasanayan kaugnay sa paggawa at pag-edit ng video, pagkuha ng larawan, pangangasiwa ng audio/sound at pamamahala ng programa onlayn kasunod ang workshop para sa lahat ng kinatawan ng bawat dibisyon. 

 

Sundan ang NLP Social Media accounts nito upang manatiling updated sa mga programa at serbisyo ng Pambansang Aklatan, dahil sa #NationalLibraryPH mag-eenjoy ka dito!

 

National Library of the Philippines Skip to content