Skip to main content
GOV.PH

Ika-81 Taong Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan

April 5, 2023

Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Philippine Veterans Affairs Office, at buong bansa sa pagdiriwang ng ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan at 2023 Philippine Veterans Week. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino.” Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Batas Republika Blg. 3022 na nagtakda ng ika-9 ng Abril bilang “Bataan Day” na ngayon ay ipinagdiriwang bilang “Araw ng Kagitingan” (Day of Valor).

Kami ay sumasaludo sa ating mga bayani na lumaban para sa ating inang bayan!

Republic Act No. 3022: https://www.officialgazette.gov.ph/1961/04/06/republic-act-no-3022/

#ArawngKagitingan #2023PhilippineVeteransWeek #NationalLibraryPH

National Library of the Philippines Skip to content