Eksibit ng Natatanging Koleksiyon ng mga Aklat at Manuskrito
November 27, 2022
Nakabisita na sila! Kayo, kelan pupunta?
Patuloy pa ding iniimbita ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang lahat sa Eksibit ng Natatanging Koleksiyon ng mga Aklat at Manuskrito. Ang eksibit ay kaugnay sa selebrasyon ng ika-32 taon ng Buwan ng Serbisyong Pang-Aklatan at Pang-Impormasyon na may temang “Mga Aklatan Bilang Kanlungan ng Karunungan: Tagapangalaga ng Kultura at Pamanang Lokal.”
Ang LIBRENG EKSIBIT ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, T.M. Kalaw St., Ermita, Maynila, at magtatagal hanggang ika-29 ng Nobyembre 2022. Itinatampok dito ang orihinal na manuskrito ng mga akda ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pati na rin ang orihinal niyang tula na Mi Ultimo Adios. Kabilang din ang eksibit ang Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino, at mga natatanging libro, litrato, mapa, at memorabilya.
Kaya tara na at sulyapan ang ilan sa ating mga pambansang pamana na nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng Pilipinas.