Skip to main content
GOV.PH

E-Salin ang Kuwento: Kuwentuhan mula sa Mindanao

May 10, 2023
Ngayong Pambansang Buwan ng Pamana, halina’t samahan ninyo ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas at ang Davao City Library and Information Center sa E-Salin ang Kuwento: Online Kuwentuhan sa Pampublikong Aklatan ngayong 3 Mayo 2023, ika-9:00 ng umaga sa NLP sa https://www.facebook.com/NLP1887.
Makakasama natin sa kuwentuhan si Bb. Eunice Dee O. Bolastig, Librarian-Kuwentista ng Davao City Library and Information Center at ang NLP Kuwentistas na sila Kuya Tom, Kuya James at Ate Jeeffa. Mga orihinal na kuwentong pambata mula sa Mother Tongue project ng NLP ang ating mapakikinggan na tiyak na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa kultura at pamana at pagpapahalagang Pilipino.
Makatatanggap ng E-sertipiko ang lahat ng makikibahagi sa aming Online Kuwentuhan kaya huwag magpahuli, sumali ka na sa kuwentuhan.
#NHM2023 #NHMChangeAndContinuity
#NationalLibraryPH
National Library of the Philippines Skip to content