Inaanyayahan naming muli ang lahat na tuklasin ang mayamang kasaysayan at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang libreng guided tour sa NLP Permanent Gallery!
Sa pangunguna ni Dr. Xiao Chua — kilalang historyador at curator ng gallery — samahan kami sa isang makabuluhang paglilibot sa NLP sa Hulyo 9, 2025 (Miyerkules), 9:30 N.U., sa NLP Building, T.M. Kalaw St., Ermita, Maynila.
LIMITADO LAMANG SA UNANG 30 MAKAKAPAGPAREHISTRO!
Siguraduhing makasama — magparehistro na sa: https://web.nlp.gov.ph/TuklasRegistration
O i-scan ang QR code sa poster upang makapagrehistro agad!
Huwag palampasin ang natatanging pagkakataong ito na mas mapalalim ang iyong kaalaman sa ating kasaysayan!