Halina’t makipagkwentuhan at makipagkulitan sa storytellers at puppeteers ng National Library of the Philippines kasama ang walang kupas na tambalang Onyot at Melay!
Bata, matanda, may ipin, o wala, lahat ay inaanyahang makisaya sa Book Fiesta na gaganapin sa ika-23 ng Abril sa Plaza Moriones, Fort Santiago, Intramuros.