Skip to main content
GOV.PH

Happy 32nd Library and Information Services (LIS) Month!

November 29, 2022

Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 837, s. 1991, idineklara ang buwan ng Nobyembre ng bawat taon bilang “Library and Information Services Month”. At sa pamumuno ng National Library of the Philippines (NLP) at National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Libraries and Information Sevices (NCCA-NCLIS), ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Mga Aklatan Bilang Kanlungan ng Karunungan: Tagapangalaga ng Kultura at Pamanang Lokal”.

Ang nabanggit na tema ay nakasentro sa isang praktikal na aspekto ng serbisyong pang-aklatan at impormasyon, ang pangagalaga ng kultura at pamanang lokal. Ang bawat institusyon o organisasyon — maging paaralan man, unibersidad, pampublikong ahensya, lokal na gobyerno, o pribadong organisasyon — ay may mga mahahalagang pangyayari at nabuong kultura na nakatulong sa pagkakatatag at paglago ng mga ito. Bilang kanlungan ng karunungan, malaki ang papel na ginagampanan ng mga aklatan sa pangagalaga ng lokal na kultura at pamanang ito. Ang selebrasyon ay isang pagbubunyi sa mga taga-pangalaga ng mga aklatan na nagsisinop ng mga nailimbag at naitalang kultural na pamana, mapa-lokal man o pambansa.

Maraming inihandang mga programa at aktibidad para sa selebrasyon ngayong taon. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:

– Opening Ceremony

– Librarians’ Game Show

– Exhibit of NLP Rare Books and Manuscripts

– Seminar/Workshop Series

– My Day in the Library TikTok Contest

– Guess How Many Books are in the Shelves

– Lucky NLP Patrons of the Day

– LISM Research Conference

– LISM Outreach Program

– Balagtasan: Pagpapatuloy ng Tradisyon

– Closing and Awarding Ceremonies

Makikita ang mga detalye at patnubay tungkol sa mga aktibidad at patimpalak sa 32nd LIS Month Microsite sa http://web.nlp.gov.ph/lis/. Ang kalendaryo ng mga aktibidad ng komite at iba pang mga katuwang na aklatan at organisasyon ay makikita sa https://lism2022.notion.site/2118e9e1b7014af683c1b18c0794d748

Manatiling nakatutok para sa mga susunod na anunsyo kaugnay sa selebrasyon ng LIS Month. Mag-follow sa NLP Facebook page para sa mga update.

#32ndLISM #LISMonth2022 #LISM #KanlunganNgKarunungan

Proklamasyon Blg. 837, s. 1991: https://www.officialgazette.gov.ph/1991/11/19/proclamation-no-837-s-1991/

National Library of the Philippines Skip to content