Skip to main content
GOV.PH

Maligayang Araw ng Kagitingan 2022 mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas

April 2, 2022

Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay sumasaludo sa mga Bayani ng Bayan na lumaban para sa mga Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nakikilahok sa pambansang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan na may temang “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino”. Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Batas Republika Blg. 3022 na nagtakda ng ika-9 ng Abril bilang “Bataan Day” na ngayon ay ipinagdiriwang bilang “Araw ng Kagitingan” (Day of Valor). Sa pamamagitan nito, muling ipinapaalala sa atin na ang tapang, determinasyon, at katatagan ng mga Pilipino ay laging nangingibabaw sa anumang uri ng digmaan.

Republic Act No. 3022: https://www.officialgazette.gov.ph/1961/04/06/republic-act-no-3022/

National Library of the Philippines Skip to content