11th Conference on Children and Youth Adult Librarianship
August 30, 2023
Halina’t makibahagi!
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, kasama ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, sa pangunguna ng Panlalawigang Aklatan ng Laguna, kasama rin ang Asosasyon ng mga Laybrayran sa Pampublikong Sektor, Inc. (Association of Librarians in the Public Sector, inc.), ay nagagalak na anyayahan kayong makilahok sa idaraos na Ikalabing-Isang Pagpupulong ukol sa mga Gawing Pang-Laybraryan Para sa Mga Bata at Kabataan (11th Conference on Children and Young Adult Librarianship) na gaganapin sa ika-11 hanggang sa ika-13 ng Oktubre, sa Splash Mountain Resort, Los Baños, Laguna.
Ang tema ngayong taon ay pinamagatang, “Dunong ng Kabataan sa Tulong ng Aklatan, Puhunan sa Maunlad na Kinabukasan,” [translation: Knowledge of Children and the Youth through Libraries: An Investment to a Bright Future] kung saan ating pagsasaluhan ang bagong dekada na puno ng mga bagong kaalaman, kakayahan, at pagpapayaman ng pagbabasa ng mga bata at kabataan sa pamamagitan ng mga aklatan. Ang ating mga aklatan ay winawaring magbibigay pag-asa sa mas magandang kinabukasan ng paghasa ng kahusayan, kasanayan, at gawi alinsunod sa progreso ng teknolohiya; sa ating bansa man o sa buong mundo, para sa mga bata at kabataang tumatangkilik sa mga aklatan.
Kaya’t ano pang hinihintay n’yo? Ikaw man ay isang laybraryan, tagapangasiwa ng aklatan, lingkod bayan sa isang aklatan, o isang indibidwal na interesado sa kaalamang nakakabit sa tema ng taong ito, halina’t makilahok!
Upang makapagparehistro, gamitin lamang ang link na ito: https://bit.ly/11thCCYALhttps://bit.ly/11thCCYAL