ππππππππππ ππππππ
July 27, 2023
Noong nakaraang Hulyo 23, 2023 ipinagdiwang ang ika-159 na taong anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani na si Apolinario Mabini. Kinikilala rin ang araw na iyon bilang βApolinario Mabini Dayβ sa bisa ng Republic Act No. 9430. Ngunit sino nga ba si Mabini at bakit siya tinatawag na βDakilang Lumpoβ?
Makikita sa harapan ng gusali ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang isang bantayog ni Mabini. Ito ay kinikilalang isang pambansang bantayog sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 2, S. 2015 na ipinahayag ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Mababasa sa pananda nito ang maikling impormasyon tungkol sa bayani:
ππππππππππ ππππππ
1864 – 1903
Bayani, rebolusyonaryo, manunulat at pilosopong pulitikal. Isinilang sa Tanauan, Batangas, 23 Hulyo 1864. Nag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas, 1888-1894. Tinaguriang βdakilang lumpoβ sa paglahok niya sa pakikibaka sa kolonyalismo sa kabila ng polio, na dumapo sa kanya noong 1896. Dinakip at ipiniit sa Ospital ng San Juan De Dios kaugnay sa pagkilos niya para sa reporma, 10 Oktubre 1896 – 16 Mayo 1897. Sumanib sa himagsikan laban sa Espanya. Mga pangunahing akda: ang βEl Verdadero Decalogo,β βPrograma Constitucional De La Republica Filipina,β at βOrdenanzas De La Revolucion.β Naging punong tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo, 1898. Nanungkulang Punong Ministro at Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Republika ng Pilipinas, 1899. Dinakip ng mga Amerikano sa Kuyapo, Nueva Ecija, 11 Disyembre 1899. Ipinatapon sa Guam, 15 Enero 1901. Nagbalik sa Pilipinas, 26 Pebrero 1903, at tumangging manungkulan sa kolonyal na gobyerno. Yumao sa Nagtahan, Maynila, 13 Mayo 1903.