USAPING KASAYSAYAN: Teodoro M. Kalaw
T.M. Kalaw Street – Dito sa kalyeng ito matatagpuan ang kasalukuyang opisina ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Ipinangalan ito sa isang Pilipinong mambabatas at mananalaysay na naging tagapamahala din ng Pambansang Aklatan noong 1929. Ngunit sino nga ba si T.M. Kalaw at ano ang kanyang naging ambag sa kasaysayan ng Pilipinas?
“Si Teodoro M. Kalaw ay kabilang sa mga pinakamalikhaing manunulat at tagapaglathalang Pilipino. Nagsimula siya sa kanyang gawain noong 1908. Ang kanyang mga impresyon sa Rusya,na nilakbay niyang kasama ni Manuel L. Quezon, ay pinamagatang Hacia la Tierra del Car. Pagkaraang masulat niva ang handog na ito sa Sining ay ibinuhos niya ang lahat ng pansin at panahon sa agham pampulitika, batas konstitusyonal, batas parlamentaryo, at pag-aaral ng pamamaraang pamulitika ni Mabini upang maihandog sa mga bagong saling-lahi ang isang maikli at malinaw na pagsasalaysay ng unang kasaysayan ng Himagsikan ng Pilipinas. Ipinanganak si Teodoro M. Kalaw noong Marso 31, 1884 sa Lipa, Batanggas. Siya’y isang abogado. Siya ay kabilang sa pulutong ng mga Pilipinong intelektuwal. Noong kanyang kabataan ay buong sigasig niyang nilinang ang panitikang Kastila, hanggang sa hindi na niya maiwan ang kanyang Musa sa anumang paraan.Pinamatnugutan niya nang buong kakayahan at katapangan ang El Renacimiento mula noong 1907 hanggang 1909; nahalal siya sa Asamblea ng Pilipinas noong 1910 at nanungkulan hanggang 1912; naging Kalihim ng Asamblea mula noong 1912 hanggang 1916. Sa huling taon ng kanyang panunungkulan ay nahirang siyang Patnugot ng Aklatan at Museo ng Pilipinas, isang tungkuling hinawakan niya hanggang 1917. Mula noong 1917 hanggang 1920, siya’y Pangalawang Kalihim ng Kagawarang Panloob, at dahil sa kanyang kasiyasiyang paglilingkod ay hinirang siyang Kalihim mula noong 1920 hanggang 1922. Nang buuin ang Komisyon sa Pagsasarili ay hinirang siyang Puno nito. Si Kalaw ay kabilang sa mga pinakamalikhaing manunulat at tagapaglathalang Pilipino. Nagsimula siya sa kanyang gawain noong 1908. Ang kanyang mga impresyon sa Rusya, na nilakbay niyang kasama ni Manuel L. Quezon, ay pinamagatang Hacia la Tierra del Car. Pagkaraang masulat niva ang handog na ito sa Sining ay ibinuhos niya ang lahat ng pansin at panahon sa agham pampulitika, batas konstitusyonal, batas parlamentaryo, at pag-aaral ng pamamaraang pamulitika ni Mabini upang maihandog sa mga bagong saling-lahi ang isang maikli at malinaw na pagsasalaysay ng unang kasaysayan ng Himagsikan ng Pilipinas. Bilang patunay sa kanyang katalinuhan, Si Teodoro M. Kalaw ay pangulo ngayon-unang pangulo-ng Seksiyong Pilipino ng Hispano-American Royal Academy of Science and Arts, na may punong tanggapan sa Cadiz at kasapi sa Akademya ng Agham Pampulitika ng New York (Academy of Political Sciences of New York), ng Kapisanan ng Agham Pampulitika ng Amerika (American Association of Political Sciences), na nasa Baltimore, at ng Kapisanan sa Batas Internasyonal ng Amerika (American Society of International Law). (Ang artikulong ito ay sinulat noong 1925.)” Teksto na nagmula sa “Kalaw, Teodoro M. (19–). Ang usaping libelo ng El Renacimiento. [Manila] : National Historical Institute.”
Sa inyong pagbisita sa Pambansang Aklatan, ang isa sa mga unang bubungad sa inyo ay ang monumento ni Teodoro M. Kalaw na wari’y bumabati sa mga mananaliksik sa kanilang pagpasok sa tarangkahan ng karunungan.
Halina’t bisitahin natin ang Pambansang Aklatan ng PIlipinas ngayong Buwan ng Kasaysayan!
#NationalLibraryPH
#BuwanNgKasaysayan2023