Skip to main content
GOV.PH

Usapang Pagkain sa Buwan ng Abril

April 1, 2023

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 469, s. 2018, ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas (NLP) ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Pilipino o  Filipino Food Month ngayong buwan ng Abril sa temang “Pagkaing Sariling Atin, Mahalin at Pagyamanin.” Layunin nitong mapahalagahan mga  culinary tradition at iba’t ibang pagkaing Pilipino na bahagi na ng ating kalinangan, kasaysayan at pagkakakilanlan. Bukod dito, ang pagdiriwang ay naglalayon ding magbigay kaalaman sa kahalagahan ng mga komunidad na nag-aambag sa produksyon ng pagkain sa bansa gaya ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang lokal na sektor sa agri-komunidad.

Upang higit nating mapahalagahan ang pagdiriwang na ito, narito ang ilang butil ng kaalaman tungkol sa Pagkaing Pilipino mula sa koleksyon ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. 

Sabay-sabay tayong matakam at matuto!

#NationalLibraryPH

National Library of the Philippines Skip to content