Skip to main content
GOV.PH

Sino si Julian Felipe?

January 29, 2024

Kahapon, ika-28 ng Enero, ipinagdiwang ang ika-163 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Julian Felipe. Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa pagdiriwang na ito.πŸŽ‚πŸ‡΅πŸ‡­

🎼 π—‘π—šπ—¨π—‘π—œπ—§ π—¦π—œπ—‘π—’ π—‘π—šπ—” 𝗕𝗔 π—¦π—œ π—π—¨π—Ÿπ—œπ—”π—‘ π—™π—˜π—Ÿπ—œπ—£π—˜?
Ipinanganak noong Enero 28, 1861 sa Cavite (ngayon ay Cavite City), si Julian Felipe ay nagsimulang mag-aral ng musika sa edad na 10. Napansin ang kanyang husay sa kanyang mga naunang komposisyon, na nagdala sa kanya sa prestihiyosong Santa Cecilia Musical Society. Sa pag-usbong ng Rebolusyong 1896, si Julian Felipe ay naipit sa pangyayari at napabilanggo sa Fort San Felipe at Fort Santiago kasama ang 13 martir ng Cavite. Sa kanyang paglaya, naging kasapi siya ng tropa ni Emilio Aguinaldo. Ipinag-utos sa kanya ni Aguinaldo ang pagbuo ng pambansang awit na β€œHimno Nacional Filipino,” na kilala ngayon bilang β€œLupang Hinirang.” Ito ay tinugtog para sa deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.

[Sanggunian: Tiongson, N. (Ed). (1994). CCP encyclopedia of Philippine art (Vol. 6: Philippine music). Manila: Cultural Center of the Philippines.]

πŸ“˜ π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—”π—§π—œπ—‘π—š π—žπ—”π—¦π—”π—¬π—¦π—”π—¬π—”π—‘
Kung nais mong malaman pa ang mas marami tungkol kay Julian Felipe at ang kanyang mga ambag sa musika ng bansa, bisitahin ang Julian Felipe Collection sa Pambansang Aklatan.Bisitahin ang link na ito: https://nlpdl.nlp.gov.ph/JF01/home.htm πŸ“š

πŸ“… 𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—œ π—π—¨π—Ÿπ—œπ—”π—‘ π—™π—˜π—Ÿπ—œπ—£π—˜ 𝗦𝗔 π—–π—”π—©π—œπ—§π—˜
Sa pagkilala sa kanyang husay, idineklara ang Enero 28 ng bawat taon bilang Araw ni Julian Felipe sa Lungsod ng Cavite ayon sa Republic Act No. 7805. πŸ“œπŸŒŸ https://www.officialgazette.gov.ph/1994/09/01/republic-act-no-7805/

National Library of the Philippines Skip to content