Skip to main content
GOV.PH

Pambansang Bantayog ni Apolinario Mabini

July 1, 2022

Dagdag Kaalaman!
 
Alam nyo ba na ang bantayog ni Apolinario Mabini sa harap ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay isang pambansang bantayog? Ito ay sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 2, S. 2015 na ipinahayag ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Sa panahon ni dating NLP Direktor Teodoro M. Kalaw natipon at nailimbag ang mga likha at naisulat ni Mabini.
 
Ito ang nakasulat sa pananda ng bantayog:
 
APOLINARIO MABINI1864 – 1903
 
Bayani, rebolusyonaryo, manunulat at pilosopong pulitikal. Isinilang sa Tanauan, Batangas, 23 Hulyo 1864. Nag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas, 1888-1894. Tinaguriang “dakilang lumpo” sa paglahok niya sa pakikibaka sa kolonyalismo sa kabila ng polio, na dumapo sa kanya noong 1896. Dinakip at ipiniit sa Ospital ng San Juan De Dios kaugnay sa pagkilos niya para sa reporma, 10 Oktubre 1896 – 16 Mayo 1897. Sumanib sa himagsikan laban sa Espanya. Mga pangunahing akda: ang “El Verdadero Decalogo,” “Programa Constitucional De La Republica Filipina,” at “Ordenanzas De La Revolucion.” Naging punong tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo, 1898. Nanungkulang Punong Ministro at Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Republika ng Pilipinas, 1899. Dinakip ng mga Amerikano sa Kuyapo, Nueva Ecija, 11 Disyembre 1899. Ipinatapon sa Guam, 15 Enero 1901. Nagbalik sa Pilipinas, 26 Pebrero 1903, at tumangging manungkulan sa kolonyal na gobyerno. Yumao sa Nagtahan, Maynila, 13 Mayo 1903.
 
Nakikiisa din ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa pagdiriwang ngayong araw, Hulyo 23, ng “Apolinario Mabini Day” sa bisa ng Republic Act No. 9430. 
 

National Library of the Philippines Skip to content