PAGBATI SA MGA NAGWAGI SA 2024 GAWAD PAMPUBLIKONG AKLATAN (GPA)!
March 24, 2024
Higit 83 Natatanging Tapaglingkod at Tagapangasiwa ng mga Pampublikong Aklatan ang pinarangalan kamakailan, 22 Marso, para sa ika-6 taon ng Gawad Pampublikong Aklatan sa Epifanio Delos Santos Auditorium ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, kasama ang mga kawani nito sa pamumuno ni 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗖𝗲𝘀𝗮𝗿 𝗚𝗶𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗤. 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 at 𝗔𝘀𝘀𝘁. 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗘𝗱𝗴𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗕. 𝗤𝘂𝗶𝗿𝗼𝘀.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng mga Pampublikong Aklatan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Dumalo rin sa programa ang Tagapangulo at pinuno ng mga kaugnay na ahensya ng NLP upang saksihan ang programang pinangasiwaan ng Public Libraries Division (PLD) ng NLP sa pangunguna ni 𝗣𝗟𝗗 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗕𝗹𝗲𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗣. 𝗩𝗲𝗹𝗮𝘀𝗰𝗼.
Kapartner ang The Asia Foundation sa pamumuno ni 𝗚. 𝗦𝗮𝗺 𝗖𝗵𝗶𝘁𝘁𝗶𝗰𝗸 at si 𝗕𝗯. 𝗠𝘆𝗻 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮, ang Deputy Country Representative, kasama rin ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si 𝗛𝗼𝗻. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗖. 𝗔𝗯𝗮𝗹𝗼𝘀, 𝗝𝗿. bilang panauhing pandangal, at ang Director-General ng Philippine Information Agency (PIA) na si 𝗚. 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗔.𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀, 𝗝𝗿., ang Gawad Pampublikong Aklatan ay ang pinakamataas at pinaka-prestihiyosong pagkilala na iginagawad ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa mga natatanging kawani, laybraryan, tagapangasiwa at mga pampublikong aklatan na patuloy na nagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyong pang-aklatan sa kanilang komunidad.
𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙋𝙖𝙢𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙠𝙤𝙣𝙜 𝘼𝙠𝙡𝙖𝙩𝙖𝙣!