NLP National Flag Days Ep. 2 – Ang Pangalawang Watawat ng Pilipinas at Iba pang Kaalaman
May 30, 2024
Bilang paggunita sa National Flag Days simula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, sama-sama nating tuklasin ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa pambansang watawat ng Pilipinas. Samahan natin si Propesor Xiao Chua, isang public historian, sa pag-alam gamit ang mga aklat at dokumentong matatagpuan sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.
Para sa ikalawang video, ating tuklasin kung ano ang una at pangalawang watawat ng Pilipinas, at iba pang mga pagkakamali sa itsura ng ating mga watawat gamit ang mga aklat na kabilang sa koleksyon ng NLP — (1) “Himagsikan nang manga Pilipino Laban sa Kastila” ni Artemio Ricarte na inilimbag sa Yokohama, Japan noong 1927, at (2) “The Flag of our Fathers” ni Domingo Abella.
Sama-sama tayong matuto at palawakin ang ating kaalaman sa pamamagitan ng panonood ng video na ito. Bumisita na sa National Library of the Philippines!