Skip to main content
GOV.PH

NLP National Flag Days Ep. 1 – Ang Araw sa Watawat

May 28, 2024

Ngayong Araw ng Pambansang Watawat, sama-sama nating tuklasin ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa pambansang watawat ng Pilipinas. Samahan natin si Propesor Xiao Chua sa pag-alam gamit ang mga aklat at dokumentong matatagpuan sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Para sa unang video, ating tuklasin kung ano ang sinasagisag ng araw sa ating pambansang watawat batay sa isang talumpating isinulat ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kasama ang orihinal na kopya ng talumpating ito sa koleksyon ng NLP na “Philippine Insurgent Records,” gayundin ang mga aklat ni J.R.M. Taylor na “The Philippine Insurrection Against the United States” na nagsalin sa mga dokumentong ito sa wikang Ingles.

Sama-sama tayong matuto at palawakin ang ating kaalaman sa pamamagitan ng panonood ng video na ito. Bumisita na sa National Library of the Philippines!

National Library of the Philippines Skip to content