Skip to main content
GOV.PH

NLP Heritage Month Ep. 3 – Mi último adiós

May 27, 2024

Isang makasaysayang araw ang muling hatid ni Propesor Xiao Chua ngayong Pambansang Buwan ng Pamana. Muling samahan ang ating public historian sa patuloy na pagtuklas ng mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang pamana na matatagpuan sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Para sa ikatlong bahagi ng “NLP Heritage Month Episodes,” ating alamin ang samu’t saring trivia tungkol sa tulang isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang Mi último adiós o Huling Paalam.

Alam n’yo bang hindi talaga nabigyan ni Rizal ng pamagat ang tula? At hindi rin lampara ang kanyang ginamit upang itago ang tula nang iabot niya ito sa kanyang kapatid na si Trinidad. Sama-sama tayong matuto at palawakin ang ating kaalaman sa National Libraryof the Philippines. Panoorin ang video na ito!

National Library of the Philippines Skip to content