NLP Eksibit: “Kasaysayan Tungo sa Kalayaan”
June 11, 2023
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay magkakaroon ng isang eksibit ukol sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Kalayaan at Pagkabansa ng Pilipinas na pinamagatang “Kasaysayan Tungo sa Kalayaan”. Ang eksibit ay bukas sa publiko nang LIBRE mula Hunyo 13-30, 2023. Upang ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan, itatampok sa eksibit ang mga natatanging koleksyon ng aklat, manuskrito at litrato na may kaugnayan sa pagtamasa ng ating kalayaan na nasa pangangalaga ng NLP – kabilang (ngunit hindi limitado sa) orihinal na Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas (Acta de la proclamación de independencia del pueblo filipino), Kasunduan sa Biak-na-Bato, mga liham ni Heneral Aguinaldo, mga piling kasulatan ng Katipunan, Konstitusyon ng Malolos, Pambansang Awit ng Pilipinas, iba’t ibang larawan ng ating mga bayani, at marami pang iba. Magkakaroon din ng isang ribbon-cutting ceremony sa hapon ng Hunyo 12 upang pasinayaan ang naturang eksibit. Kaya iniimbitahan ang lahat na bumisita sa 2nd Floor Lobby ng NLP, Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. at sama-sama nating sariwain ang kasaysayan sa likod ng ating tinatamasang kalayaan.
#NationalLibraryPH #PH125 #Kalayaan2023