Ayon sa Proklamasyon Blg. 109, s. 1936, ngayong araw ang umpisa ng selebrasyon ng “National Book Week” na tatakbo mula ika-24 hanggang ika-30 ng Nobyembre. Sa pamumuno ng PLAI – Philippine Librarians Association Inc., National Library of the Philippines (NLP) at National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Libraries and Information Sevices (NCCA-NCLIS), ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Basa. Bayan. Bukas.”