Skip to main content
GOV.PH

Mga Kaganapan Kahapon sa #NationalLibraryPH

June 11, 2024
 
Nakibahagi ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa pagdiriwang ng kasarinlan mula Hunyo 10-11, 2024 sa Luneta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong aklatan tulad ng libreng Library ID, pagpapakita ng Rizal koleksyon gaya ng facsimile ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, makikita rin ang Acta na mahalagang dokumento sa ating kasarinlan. Nagpakitang- gilas din ang mga NLP Kuwentistas para sa isang masayang kuwentuhan at kantahan para sa mga bata.
Halina’t samahan kami hanggang ngayong hapon para sa iba pang kaganapan!
Dahil sa #NationalLibraryPH mag-eenjoy ka dito!
National Library of the Philippines Skip to content