Skip to main content
GOV.PH

Mga Guro mula DepEd Lagawe, Ifugao at DLSU Staff, bumisita sa NLP

January 10, 2023

Ibinahagi ng NLP ang mga natatanging serbisyo at koleksyon nito sa isinagawang library tour kasama ang mga guro mula sa Lagawe, Ifugao kasama ang ilang staff ng De La Salle University noong ika-27 ng Enero 2023. 

Bahagi ng Guided Library tour na ito ang paglalahad ng kasaysayan ng NLP, pagbibigay ng impormasyon sa iba pang serbisyo nito at paglilibot sa ilang bahagi ng aklatan gaya historical marker, Common Service Area, Reading Rooms, Presidential Library at ang Filipiniana Office Area kung saan ipinakita ang facsimile ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo at ang ilang gawain ng preserbasyon at konserbasyon ng mga koleksyon ng pambansang aklatan.. 

#NationalLibraryPH

_________________________

Sa mga nais magpa-book sa NLP Guided Library Tour, ipadala ang inyong request 3-5 araw bago ang takdang araw ng inyong pagbisita sa https://tinyurl.com/NLPtour.

Para sa iba pang impormasyon bisitahin ang  web.nlp.gov.ph  at iba pang NLP social media accounts @NLP1887o mag-email saresearchandpublications@nlp.gov.ph.

National Library of the Philippines Skip to content