Maligayang Ika-136 Anibersaryo ng Pagkakatatag, NLP!
Ngayong araw, ika-12 ng Agosto 2023, ipinagdiriwang ang ika-136 na Anibersaryo ng Pagkatatag ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Bilang pagbabalik-tanaw, tingnan natin ang mayamang kasaysayan nito sa pamamagitan ng pag-alala sa ilan sa mga naging opisina nito. Atin ding basahin ang inskripsyon na nakasulat sa panandang pangkasaysayan nito.
PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS
ANG DIWA NG PAMBANSANG AKLATAN AY NAGSIMULA NANG ITATAG ANG MUSEO- BIBLIOTECA DE FILIPINAS SA BISA NG ISANG REAL DECRETO Nl REYNA MARIA CRISTINA NG ESPANYA, 12 AGOSTO 1887. PINASINAYAAN, 25 OKTUBRE1891. UNANG NAGBUKAS SA CALLE GUNAO, QUIAPO, MAYNILA AT KALAUNA’Y LUMIPAT SA CASA DE MONEDA, INTRAMUROS, MAYNILA. ITINULOY SA PANAHON NG MGA AMERIKANO ANG PAGBUBUO NG PAMBANSANG AKLATAN NANG PAG-ISAHIN ANG MGA AKLATANG PAMPUBLIKO BILANG THE PHILIPPINE LIBRARY, 20 MAYO 1909, AT NAKILALA SA IBA’T IBANG PANGALAN. LUBHANG NAPINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, LIBAN SA ILANG KOLEKSYONG NAKALIGTAS SA PAMBOBOMBA NOONG 1945 SA MAYNILA. NAKILALA BILANG PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BLG. 10087, 13 MAYO 2010. NAGSISILBING TAHANAN NG KARUNUNGAN, KASAYSAYAN, AT KULTURANG PILIPINO.
Read more about the history of NLP: Treasure of the National Library by Chando P. Morallos (https://nlpdl.nlp.gov.ph/NL03/monographs/1998/NLP00BK42620fd/home.htm)