Skip to main content
GOV.PH

Maligayang ika-135 Anibersaryo ng Pagkakatatag, NLP!

August 20, 2022

Ngayong araw, ika-12 ng Agosto taong 2022, ipinagdiriwang ang ika-135 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Pambansang Aklatan: 135 Taong Tagapagdaloy ng Batis ng Karunungan at Kultura Tungo sa Pambansang Kaunlaran.”

Kahapon ay nagkaroon ng palatuntunan para sa paghahawi ng tabing ng bagong panandang pangkasaysayan ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Nakasaad sa bagong panandang kasaysayan ang maikling kasaysayan ng NLP mula nang maitatag ito bilang Museo-Bibliotheca de Filipinas noong ika-12 ng Agosto taong 1887. Ito ang nakasulat sa bagong pananda:

PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS

ANG DIWA NG PAMBANSANG AKLATAN AY NAGSIMULA NANG ITATAG ANG MUSEO- BIBLIOTECA DE FILIPINAS SA BISA NG ISANG REAL DECRETO Nl REYNA MARIA CRISTINA NG ESPANYA, 12 AGOSTO 1887. PINASINAYAAN, 25 OKTUBRE1891. UNANG NAGBUKAS SA CALLE GUNAO, QUIAPO, MAYNILA AT KALAUNA’Y LUMIPAT SA CASA DE MONEDA, INTRAMUROS, MAYNILA. ITINULOY SA PANAHON NG MGA AMERIKANO ANG PAGBUBUO NG PAMBANSANG AKLATAN NANG PAG-ISAHIN ANG MGA AKLATANG PAMPUBLIKO BILANG THE PHILIPPINE LIBRARY, 20 MAYO 1909, AT NAKILALA SA IBA’T IBANG PANGALAN. LUBHANG NAPINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, LIBAN SA ILANG KOLEKSYONG NAKALIGTAS SA PAMBOBOMBA NOONG 1945 SA MAYNILA. NAKILALA BILANG PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BLG. 10087, 13 MAYO 2010. NAGSISILBING TAHANAN NG KARUNUNGAN, KASAYSAYAN, AT KULTURANG PILIPINO.

National Library of the Philippines Skip to content