Skip to main content
GOV.PH

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2024

August 1, 2024

Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Buwang Wikang Pambansa. Nakikiisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa mahalagang selebrasyon na ito.

Sa pangunguna ng @Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Binibigyang tingkad nito ang wikang Filipino bilang instrumentong nagpapalaya. Ang pagdiriwang ay nakatugon sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, at naglalayon na maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito.

Ang dating Presidente Manuel Luis Quezon ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Ngayong buwan ng Agosto din ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kanyang kapanganakan at kamatayan. Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto 1878 sa Baler, Aurora, at namatay noong ika-1 ng Agosto 1944 sa edad na 65.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagdiriwang, maaaring bisitahin ang https://www.facebook.com/komfilgov/.

National Library of the Philippines Skip to content