Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2023
August 1, 2023
Nakikiisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2023.
Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ang pagdiriwang ay nakatugon sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, at naglalayon na maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito.
Ngayong buwan ng Agosto din natin ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kapanganakan at kamatayan ng itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa na si dating Presidente Manuel Luis Quezon. Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto 1878 sa Baler, Aurora, at namatay noong ika-1 ng Agosto 1944 sa edad na 65.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagdiriwang, maaring bisitahin ang https://www.facebook.com/komfilgov/.
Basahin ang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997: https://www.officialgazette.gov.ph/1997/07/15/proklamasyon-blg-1041-s-1997-2/