Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2022
Nakikibahagi ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2022.
Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.” Ito ay nakatugon sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, at naglalayon na mabigyan ng lunsaran ang pagpupunyagi ng kasaysayan at pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa na siya nating kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan, at kaunlaran ng bansa.
Ngayong buwan ng Agosto din natin ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kapanganakan at kamatayan ng itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa na si dating Presidente Manuel Luis Quezon. Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto 1878 sa Baler, Aurora, at namatay noong ika-1 ng Agosto 1944 sa edad na 65.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagdiriwang, maaring bisitahin ang https://www.facebook.com/komfilgov/.
Basahin ang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997: https://www.officialgazette.gov.ph/1997/07/15/proklamasyon-blg-1041-s-1997-2/