LISM Seminar-Workshop 2 – Guhit at Kuwento: Pagsasanay sa Pagguhit at Pagsulat ng mga Kuwentong Pambata
Mayroon ba kayong karanasan o kuwentong pambata na gustong isulat at iguhit? Nais n’yo bang malaman ang inspirasyon at ang prosesong pinagdaraanan sa pagsulat at pagguhit ng mga aklat pambata? Kung kayo ay interesado, puwes, ang LIBRENG seminar-workshop na ito ay para sa inyo!
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, katuwang ang Pambansang Komite ng Aklatan at Serbisyong Pangkabatiran – Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, ay iniimbitahan ang lahat na sumali sa seminar-workshop na pinamagatang “Guhit at Kuwento: Pagsasanay sa Pagguhit at Pagsulat ng mga Kuwentong Pambata” ngayong darating na Lunes, ika-14 ng Nobyembre 2022, sa ganap na 1:00 ng hapon, sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas Auditorium, T. M. Kalaw St., Ermita, Maynila, at onlayn sa Zoom at NLP Facebook Page.
Inimbitahan para magbahagi sina Bb. Zarah Gagatiga, Teacher-Librarian at manunulat ng mga aklat pambata, pati na din si G. Hubert Fucio, ilustrador ng mga aklat pambata.
Mabuting tumungo sa Pambansang Aklatan upang personal na makasali sa pagsasanay. Ngunit maaari ring sumali onlayn sa pamamagitan ng Zoom (para sa unang 100 na magrerehistro) at sa Facebook Live sa NLP FB Page. Maaaring magrehistro sa pamamagitan ng link sa ibaba:
https://tinyurl.com/LISMseminar2
https://tinyurl.com/LISMseminar2
https://tinyurl.com/LISMseminar2
*Ang aplikasyon para sa CPD points ay kasalukuyan pang pinoproseso.
Maligayang Buwan ng Serbisyong Pang-Aklatan at Pang-Impormasyon!
#32ndLISM #LISMonth2022 #LISM #KanlunganNgKarunungan