LIS Month Webinar 1: Aklatan at Pamana ng Bayan
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, katuwang ang Pambansang Komite ng Aklatan at Serbisyong Pangkabatiran – Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, ay nais imbitahan ang lahat ng laybraryan, estudyante ng LIS, at ang buong publiko sa gaganaping LIBRENG WEBINAR na pinamagatang “Aklatan at Pamana ng Bayan: Talakayan sa Gampanin ng Aklatan sa Pagbuo ng Kasaysaysang Lokal at Pangmadla” ngayong darating na Miyerkules, ika-9 ng Nobyembre 2022, sa ganap na 1:00 ng hapon.
Magagaling ang mga inimbitahang tagapagsalita para sa webinar na ito. Si Dr. Wensley M. Reyes, Associate Professor sa University of the Philippines – Manila, ay magbabahagi tungkol sa “Silid-Aklatan at Kasaysayang Pampook: Sisidlan ng Diwang Lokal, Sabritan ng Pilipinismo”. Si Prof. Michael Charleston “Xiao” B. Chua, Associate Professor Lecturer sa De La Salle University Manila, ay tatalakay tungkol sa “Ang Hindi Mapapatid na Alyansa ng Aklat, Aklatan at Kasaysayang Pangmadla sa Pilipinas”.
Ang webinar ay gaganapin sa Zoom at NLP Facebook page. Tanging ang unang 100 na magrerehistro ang bibigyan ng oportunidad na sumali sa Zoom Meeting. Maaaring magrehistro sa pamamagitan ng link sa baba:
https://tinyurl.com/LISMwebinar1
https://tinyurl.com/LISMwebinar1
https://tinyurl.com/LISMwebinar1
*Ang aplikasyon para sa CPD points ay kasalukuyan pang pinoproseso.
Maligayang Buwan ng Serbisyong Pang-Aklatan at Pang-Impormasyon!
#32ndLISM #LISMonth2022 #LISM #KanlunganNgKarunungan