Mabuhay ang mga Manggagawang PIlipino!
Kasama ng buong bayan ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga Manggagawang Pilipino sa buong mundo ngayong ika-1 ng Mayo. Sa inyong lakas, talino at kakayahan, nagpapatuloy ang pagtataguyod sa pangangailangan at pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan. Pagsaludo sa inyo–mga tunay na yaman ng bayan!