Skip to main content
GOV.PH

Kasaysayan tungo sa Kalayaan

June 13, 2023

Opisyal nang bukas para sa publiko ang eksibit ng Pambansang Aklatan ng PIlipinas na, “Kasaysayan tungo sa Kalayaan.” Kahapon, 12 Hunyo 2023 isinagawa ang paglulunsad at pagbubukas ng eksibit na dinaluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensyang-kultural.

Sa pangunguna ni NLP Director Cesar Gilbert Q. Adriano at Asst. Director Edgardo B. Quiros, nakasama ng NLP ang mga espesyal nitong panauhin – Tagapangulo Dr. Emmanuel F. Calairo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP); Director-General Jeremy Barns ng National Museum of the Philippines (NM); Executive- Director Oscar G. Casaysay ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA); at Tagapangulo Arthur P. Casanova ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Dumalo din sa program ang kilalang Public Historian na si Prof. Michael Charleston “Xiao” B. Chua at iba pang panauhin ng NLP upang saksihan ang ilang orihinal na dokumentong bahagi ng kasaysayan sa pagsusulong ng kalayaan at pagkabansa ng Pilipinas.

Mananatiling bukas ang eksibit para sa lahat mula Hunyo 13-30, 2023, Lunes hanggang Biyernes, 8:00AM-5:00PM sa ikalawang palapag ng gusali ng NLP.

#NationalLibraryPH
#Kalayaan125

 

National Library of the Philippines Skip to content