Skip to main content
GOV.PH

Imbistasyon ni Prof. Xiao Chua para sa Webinar ng LIS Month

November 14, 2022

Makasaysayang araw po!

PANUORIN!!! Iniimbitahan ni Prof. Xiao Chua ang lahat sa mga aktibidad kaugnay sa selebrasyon ng 32nd Library and Information Services Month. Kabilang dito ang LIBRENG WEBINAR na gaganapin sa Miyerkules, ika-9 ng Nobyembre 2022, sa ganap na 1:00 ng hapon, na pinamagatang “Aklatan at Pamana ng Bayan: Talakayan sa Gampanin ng Aklatan sa Pagbuo ng Kasaysaysang Lokal at Pangmadla”. Si Prof. Xiao ay naimbitahan bilang tagapagsalita sa webinar na ito, kasama si Dr. Wensley M. Reyes ng UP Manila.

Ang webinar ay gaganapin sa Zoom at NLP Facebook page. Tanging ang unang 100 na magrerehistro ang bibigyan ng oportunidad na sumali sa Zoom Meeting. Maaaring magrehistro sa pamamagitan ng link sa baba:

https://tinyurl.com/LISMwebinar1

https://tinyurl.com/LISMwebinar1

https://tinyurl.com/LISMwebinar1

*Ang aplikasyon para sa CPD points ay kasalukuyan pang pinoproseso.

Happy Library and Information Services Month!

#32ndLISM #LISMonth2022 #LISM #KanlunganNgKarunungan

National Library of the Philippines Skip to content