Isang masayang umaga ang naganap para sa mga batang mag-aaral ng Child Development Center ng Manila ngayong araw na nakilahok sa pagdiriwang ng ika-162 anibersaryong kaarawan ng ating bayani na si 𝗗𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹 dito sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ng kuwentong “𝗦𝗶 𝗣𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝘁𝘀𝗶𝗻𝗴,” (kuwentong pambata na akda ni Rizal) isang masayang Storytelling Session at Puppet Show ang kinawilihan ng mga bata. Sinundan ito ng pagkukulay sa mga larawan ng bidang tauhan ng kuwento na tampok naman sa isang arts activity. Higit sa lahat, personal din nilang natunghayan sa isang eksibit ang replika ng mga manuskrito ng nobelang 𝙉𝙤𝙡𝙞 𝙈𝙚 𝙏𝙖𝙣𝙜𝙚𝙧𝙚 𝙖𝙩 𝙀𝙡 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙗𝙪𝙨𝙩𝙚𝙧𝙞𝙨𝙢𝙤 at ilan pang mahalagang dokumento na bahagi ng koleksiyong Rizaliana ng NLP.
Isang pambihirang karanasang punong-puno ng kaalaman ang naranasan ng mga batang mag-aaral na ito na magpapalalim pa ng kanilang pagkilala at pagmamalaki sa ating bayani na si 𝗗𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹.