Ngayong darating na ika-12 ng Agosto, ipagdiriwang ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang ika-135 taong anibersaryo nito sa temang, “Pambansang Aklatan: 135 Taong Tagapagdaloy ng Batis ng Karunungan at Kultura tungo sa Pambansang Kaulanran.”
Mula 1887 hindi lamang nagsisilbing tagapag-ingat at lagakan ng dokumentong may halagang pagkultura at pangkasaysayan sa bansa, bagkus ang Pambansang Aklatan ay nagsisilbi ring tagapagpatuloy ng mga “batis” (resources) na mahalaga sa pagpapaunlad ng karunungan at kalinangan ng pamayanan na mahalaga sa pag-aambag at pagtamo ng pambansang kaunlaran.
Bilang pagbubukas sa makasaysayang pagdiriwang na ito, isang munting programa ang inihanda kanina, 1 Agosto 2022 na nilahukan ng mga kawani mula sa iba’t ibang dibisyon, habang patuloy pa rin ang paghahanda para sa iba pang mga gawain at programa para sa selebrasyong ito.