Ika-124 na Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas
Nakikiisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa pagdiriwang ng Araw Kalayaan ngayong ika-12 ng Hunyo 2022 na may temang, “Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas.”
124 taon na ang nakalipas nang iproklama ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite kasabay ng pagwagayway ng watawat at pagtugtog ng Marcha Nacional Filipina na komposisyon ni Julian Felipe. Sa araw ding ito binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista ang Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino, ang dokumentong nagpapahayag ng hangarin ng paglaya mula sa pananakop ng Espanya.
Ang orihinal na sipi ng 21 pahinang dokumentong ito ay nasa pangangalaga ng NLP gayundin ang sipi ng Marcha Nacional Filipina na maaaring makita sa https://nlpdl.nlp.gov.ph/TechnoAklatan.htm
Sanggunian:
Kalayaan 2022 logo nakuha sa https://nhcp.gov.ph/
Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino http://nlpdl.nlp.gov.ph/PI01//documents/NLPPIMN459043/home.htm
Himno Nacional Filipino para canto y piano nakuha sa http://nlpdl.nlp.gov.ph/JF01/22/3578/bs/home.htm
Exhibit: Philippine Heroes nakuha sa http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/10030