Skip to main content
GOV.PH

Ika-120 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Amado V. Hernandez

September 13, 2023

Nakikiisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa paggunita ng ika-120 taong anibersaryo ng kapanganakan ng tinaguriang “Manunulat ng mga Manggagawa” at isang Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura, Amado V. Hernandez.

 

Ipinanganak noong Setyembre 13, 1903 sa Hagonoy, Bulacan ngunit lumaki sa Tondo, Maynila, si A. V. Hernandez ay nakilala bilang isang mahusay na makata at manunulat sa wikang Tagalog. Ang kaniyang mga akda ay karaniwang tungkol sa pagsusuri at pagpuna ng lipunang Pilipino noong kaniyang kapanahunan.Siya ay namatay noong Marso 24, 1970.

 

Noong Oktubre 21, 1977, ang koleksyon ng mga gawa ni A. V. Hernandez ay ibinigay sa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng kaniyang asawang si Gng. Atang dela Rama vda. De Hernandez. Ang Amado V. Hernandez Collection ay sumasaklaw sa mga taong 1877 hanggang 1973 at binubuo ng kanyang mga sulat, legal at personal na mga papeles, mga gawa bilang isang mamamahayag, mga kasulatan sa kaniyang selda sa Camp Murphy at New Bilibid Prison, Muntinlupa, Rizal, mga litrato, clippings sa mga pahayagan, at mga memorabilya na sumasalamin ng kaniyang buhay.

Sanggunian: The Amado V. Hernandez Collection at the National Library. (1998). Manila : TNL Filipiniana Division. Special Collection Section.

 

#NationalLibraryPH

National Library of the Philippines Skip to content