Skip to main content
GOV.PH

GAWAD PAMPUBLIKONG AKLATAN (GPA)

February 26, 2024
📣ABANGAN!🎖🏅
Tunghayan ang 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗸𝗹𝗮𝘁𝗮𝗻 ngayong ika-22 ng Marso 2024 sa Epifanio Delos Santos Awditoryum ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Isa ito sa mga programa para sa pagdiriwang ng Araw ng Pampublikong Aklatan sa temang “𝙄𝙠𝙖𝙬, 𝘼𝙠𝙤, 𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙠𝙤𝙣𝙜 𝘼𝙠𝙡𝙖𝙩𝙖𝙣: 𝙃𝙞𝙜𝙞𝙩 𝘼𝙣𝙞𝙢𝙣𝙖𝙥𝙪’𝙩 𝙇𝙞𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙏𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙩𝙪𝙩𝙪𝙜𝙪𝙣𝙖𝙣.”
Ang parangal na ito ay pinangungunahan ng 𝘗𝘢𝘮𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘬𝘭𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴 kasama ang 𝘛𝘩𝘦 𝘈𝘴𝘪𝘢 𝘍𝘰𝘶𝘯𝘥𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 (𝘛𝘈𝘍) sa pakikiisa ng 𝘋𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘐𝘯𝘵𝘦𝘳𝘪𝘰𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘓𝘰𝘤𝘢𝘭 𝘎𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 (𝘋𝘐𝘓𝘎) at 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘈𝘨𝘦𝘯𝘤𝘺 (𝘗𝘐𝘈). Layunin ng parangal na: 1️⃣ hikayatin ang lahat ng mga kaugnay na pampublikong aklatan na ipagpatuloy ang kanilang mga natatanging kontribusyon sa kanilang komunidad; 2️⃣ kilalanin ang mga pampublikong laybraryan o mga indibidwal na may mahalagang kontribusyon sa serbisyo-publiko sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at pagsisikap; at, 3️⃣ lumikha ng mas matatag na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng NLP at iba pang mga stakeholder para sa pagpapaunlad ng mga pampublikong aklatan sa bansa.
👏Mabuhay ang mga Pampublikong Aklatan!
National Library of the Philippines Skip to content