Skip to main content
GOV.PH

E-Salin ang Kuwento: Online Kuwentuhan sa Pampublikong Aklatan

May 10, 2023
Halina’t samahan ninyo ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas at ang ilan sa mga Pampublikong Aklatan ngayong Pambansang Buwan ng Pamana sa E-Salin ang Kuwento: Online Kuwentuhan sa Pampublikong Aklatan ngayon Mayo 3,17,24 at 29, 2023 tuwing ika-9:00 ng umaga sa NLP sa https://www.facebook.com/NLP1887.
Makakasama natin sa kuwentuhan ang mga Librarian-Kuwentista at mga NLP Kuwentistas na sila Kuya Tom, Kuya James at Ate Jeeffa. Mga orihinal na kuwentong pambata mula sa Mother Tongue project ng NLP ang ating mapakikinggan na tiyak na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa kultura at pamana at pagpapahalagang Pilipino.
Makatatanggap ng E-sertipiko ang lahat ng makikibahagi sa aming Online Kuwentuhan kaya huwag magpahuli, sumali ka na sa kuwentuhan.
Para sa iba pang impormasyon bisitahin ang web.nlp.gov.ph at iba pang social media accounts nito sa @nlp1887.
#NHM2023 #NHMChangeAndContinuity
#NationalLibraryPH
National Library of the Philippines Skip to content