Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa National Commission for Culture and the Arts, Komisyon sa Wikang Filipino, National Book Development Board – Philippines, at buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan na isinasagawa tuwing buwan ng Abril, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.
Ang tema ngayong taon ay “Ang Panitikan at Kapayapaan” na may layuning magbigay daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito, lalong mapagyayaman ang diskurso sa konsepto ng kapayapaan at maipararating sa mamamayang Pilipino ang papel ng panitikan sa lipunan.