Anibersaryo ng Kalayaan – Mga Aktibidad ng Day 1 at Simula ng Day 2
June 9, 2023
Nakisali sa kuwentuhan, sayawan, kulayan, piktyuran, aralan, at kulitan ang mga bumisita ng booth ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa Luneta para sa paggunita ng ika-125 taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Kabilang ang NLP sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na inimbitahan para sa programang “Mga Pampamahalaang Programa at Serbisyo”.
Kaya ngayong ikalawa at huling araw ng programa, muli naming iniimbitahan ang lahat na bumisita sa booth ng Pambansang Aklatan upang makisali sa aming mga aktibidad. Tumungo na sa Luneta at hanapin ang NLP booth dahil sa National Library, #MageenjoyKaDito!