Ang Pakikilahok ng #NationalLibraryPH sa Pagdiriwang ng Ika-126 Taon ng Kalayaan ng Pilipinas na Isinagawa sa Rizal Park, Luneta at Quirino Grandstand Noong Hunyo 10-12.
June 14, 2024
Naging matagumpay ang pakikilahok ng #NationalLibraryPH sa pagdiriwang ng ika-126 Taon ng Kalayaan ng Pilipinas na isinagawa sa Rizal Park, Luneta at Quirino Grandstand noong Hunyo 10-12. Sa pakikibahagi ng NLP sa isinagawang Pampamahalaang Programa at Serbisyo 2024, naihatid nito ang ilan sa mga serbisyo at gawain sa ating mga kababayan.
Nakapagbigay ng higit sa 126 libreng Library ID para sa mga mag-aaral, mananaliksik at mga kawani ng pamahalaan. Isang kuwentuhang puno-puno ng aral tungkol sa pagkamakabansa ang inihatid naman ng NLP Kunwentistas para sa mga batang nagtungo sa NLP booth. At sa pamamagitan ng munting exhibit ng mga koleksyon ng NLP ukol sa ating kasaysayan, naipabatid natin ang halaga ng pagdiriwang ng ating kalayaan.
Nagtapos ang programa sa Parada ng Kalayaan na nilahukan din ng mga kawani ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas.