Ang Nobyembre 30 ay Araw ni Bonifacio
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa paggunita ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, Ama ng Rebolusyong Pilipino at isa sa mga nagtatag ng Katipunan. Ang pagdiriwang ng Araw ni Bonifacio ngayong taon ay may temang “Pagkakaisang Pilipino: Pundasyon ng Malaya at Maunlad na Bayan” (Filipino Unity: Foundation for a Free and Prosperous People).