Skip to main content
GOV.PH

Alam n’yo ba?

April 9, 2023

Bilang pakikibahagi ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa mga pambansang selebrasyon ngayong Abril, isang mini exhibit ang matutunghayan sa unang palapag ng gusali ng NLP na maaaring puntahan at bisitahin. Layunin nito na palaganapin at isulong ang paggamit ng mga aklat bilang pagpapahalaga sa panitikan at paglikha, at gunitain ang husay at giting ng mga Pilipino.

Tampok ang mga koleksiyong ukol sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na maaari ninyong mabasa dito sa NLP. Makikita din dito ang ilang mahahalagang impormasyong magpapalawak pa ng ating kaalaman tungkol sa ating mga bayani sa pagdiriwang Araw ng Kagitingan. At dahil ipinadiriwang din ngayong buwan ang “World Book and Copyright ,” matututo din kayo sa proseso ng aplikasyon ng Karapatang-Sipi o Copyright bilang isa sa mga serbisyong hatid ng NLP.

Halina’t bumisita na at magbasa sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas!

#NationalLibraryPH

#TutorialTuesday

#BuwanNgPanitikan2023

National Library of the Philippines Skip to content