Skip to main content
GOV.PH

Paghahawi ng Tabing ng Panandang Pangkasaysayan ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas at Pagpapasinaya ng Eksibit

August 4, 2022

Ngayong araw, ika-11 ng Agosto taong 2022, nasaksihan ang makasaysayang araw ng paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, isang araw bago ang pagdiriwang ng ika-135 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Isang palatuntunan ang inihanda na pinangunahan ni NLP Director Cesar Gilbert Q. Adriano at Asst. Director Edgardo B. Quiros, kasama ang mga opisyal at kawani ng National Historical Commission of the Philippines sa pangunguna ni NHCP Chairperson Rene R. Escalante at OIC Executive Director Carminda R. Avelo, pati na ng mga NHCP Board Members, Kgg. Earl Jude Paul L. Cleope, Kgg. Emmanuel F. Calairo, Kgg. Lino L. Dizon, Kgg. Lisa Guerrero Nakpil, Kgg. Jeremy Barns ng National Museum of the Philippines (Ex-Officio Member), at Kgg. Victorino Mapa Manalo ng National Archives of the Philippines (Ex-Officio Member).

Matapos ang palatuntunan, itinuloy ang programa sa pagpapasinaya at pagbubukas ng eksibit para sa pagdiriwang ng ika-135 anibersaryo ng Pambansang Aklatan na isinagawa na ikalawang palapag ng NLP Building. Tampok sa eksibit ang ilan sa mga natatanging koleksyon ng aklatan mula sa Rare and Special Collection ng pinangasiwaan ng Filipiniana Division. Makikita dito ang mga dokumento, larawan at mga aklat na mayroong mahalagang bahagi sa ating kasaysayan at kultura – mga pamanang ating iniingatan sa susunod na salinlahi.

Mananatili ang eksibit hanggang sa katapusan ng buwan. Ang lahat ay iniimbitahan na bumisita sa NLP at maglibot sa eksibit upang makita ang ilan sa mga natatanging koleksyon ng NLP.

National Library of the Philippines Skip to content